dzme1530.ph

PBBM, hindi bubuwagin ang NTF-ELCAC sa kabila ng alegasyong red-tagging

Hindi bubuwagin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kabila ng alegasyong red-tagging.

Ayon sa pangulo, hindi gobyerno kundi kung sino-sino lamang ang gumagawa ng red-tagging.

Iginiit pa ni Marcos na malaki ang naitulong ng Anti-Local Armed Conflict Body sa harap ng mga banta sa internal security, dahil sa halip na labanan ay kanilang tinutulungan ang mga dating kalaban ng pamahalaan.

Kaugnay dito, sinabi ng pangulo na tatapusin nila ang tungkulin ng NTF-ELCAC dahil mayroon pang mga barangay na hindi pa nalilinis mula sa armadong pakikibaka, at may mga rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno ang hindi pa napaaabutan ng tulong.

About The Author