dzme1530.ph

Krisis sa suplay ng tubig sa CDO, ipinare-resolba ng Pangulo

Ipinare-resolba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang krisis sa suplay ng tubig sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos putulin ng Cagayan de Oro Bulk Water Inc. ng negosyanteng si Manny Pangilinan ang kanilang suplay sa local water district ng CDO, dahil sa umanoy hindi pa nare-resolbang sigalot sa utang.

Sa kaniyang talumpati sa pamamahagi ng presidential assistance sa CDO, inihayag ng pangulo na nakipag-usap na siya kay Pangilinan para manumbalik ang normal na suplay ng tubig, habang humahanap pa ng pang-matagalang solusyon.

Pumayag naman umano ang business tycoon at handa raw itong makipagpulong kay CDO Mayor Rolando Uy upang matuldukan na ang problema, at mabigyan ng kina-kailangang tubig ang lagpas sa animnapung libong residente ng lungsod.

Samantala, inatasan din ni Marcos ang Local Water Utilities Administration na pag-aralan ang posibleng pamamahala sa CDO Water District, upang kaagad na ring mapag-aralan ang sitwasyon sa suplay ng tubig sa lugar.

About The Author