Pinaabutan ng Presidential Assistance ang halos sampunlibong magsasaka at mangingisda sa Iligan City sa Lanao del Norte, sa harap ng nagpapatuloy na epekto ng El Niño o matinding tagtuyot.
Sa seremonya sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng P10,000 cash assistance sa mga piniling benepisyaryo.
Bukod dito, iniabot din sa City Gov’t ng Iligan ang P10.5 million na assistance, at P13.9 million sa Lanao del Norte.
Namahagi rin a ng Dep’t of Social Welfare and Development ng P10,000 na ayuda sa mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya, habang ang lahat ng dumalo ay binigyan ng tig-limang kilo ng bigas.