Umabot na sa mahigit 140k mga residente sa mga rehiyon ng MIMAROPA at Western Visayas ang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, 31,392 families o 141,988 individuals mula sa 122 na mga barangay sa dalawang rehiyon ang nangangailangan ng tulong.
Inihayag ng DSWD na nakapagbigay na sila ng mahigit P18.4-M na halaga ng humanitarian aid sa mga apektadong residente.
Bukod sa financial aid, sinabi ng ahensya na nakapagpamahagi sila ng 21,152 family food packs sa mga naapektuhan residente sa MIMAROPA habang 6,600 food packs ang ipinagkaloob din sa mga pamilya sa Western Visayas.
Samantala, nagpapatuloy ang roll out ng cash-for-work program ng pamahalaan sa Munisipalidad ng Pola sa Oriental Mindoro.