dzme1530.ph

Energy security sa bansa, maaapektuhan kung magtatayo ng outpost ang China sa Escoda Shoal

Mahaba-habang epekto sa Energy security ng Pilipinas kung hahayaan na magtayo ang China ng Artificial island sa Escoda o Sabina shoal.

Babala ito ni retired supreme court senior associate Justice Antonio Carpio, kasabay ng pagbibigay-diin na kailangang depensahan ang Escoda shoal dahil malapit ito sa Recto o Reed bank na mayaman sa langis.

Ipinaliwanag ni Carpio na kapag nakapagtayo ang China ng outpost sa Escoda ay maari nilang bantayan ng “24 hours a day” ang Reed bank na dalawa hanggang tatlong beses na mas malaki sa Malampaya.

Ginawa ng retired justice ang pahayag makaraang iulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng bahagi ng paghahanda ng China sa kanilang reclamation activities ang pagtatambak ng durog na corals, para sa pagtatayo ng istruktura sa naturang maritime feature.

Idineploy ng PCG ang kanilang pinakamalaking barko na BRP Teresa Magbanua para protektahan ang Escoda shoal matapos maispatan ang presensya ng Chinese vessels, kabilang ang tatlong research ships na nag-dispatch ng divers at measuring equipments sa dagat.

 

About The Author