dzme1530.ph

Bilang ng mga nagkasakit bunsod ng oil spill sa Oriental Mindoro, lumobo na sa 122

Umakyat na sa mahigit 100 indibidwal ang nagkasakit bunsod ng epekto ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa Oriental Mindoro, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa Press Briefing, sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na karamihan sa 122 cases na naitala ay nakaranas ng pananakit ng ulo at respiratory-related symptoms, gaya ng ubo at sipon.

Idinagdag ni Vergeire na mayroon ding mga nahilo, sumakit ang tiyan, nahirapang huminga, lumala ang asthma, at nagkaroon ng skin rashes.

Isa naman aniya ang na-admit sa ospital bunsod ng aggravated asthma, subalit agad ding na-discharge nang sumunod na araw.

About The Author