Ipinagbawal ng COMELEC En Banc ang substitution of candidates pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) kung ang dahilan ay pag-atras ng kandidato.
Ang filing ng COC para sa May 2025 midterm elections ay itinakda simula October 1 hanggang 8 ngayong taon.
Nilinaw naman ni COMELEC Chairman George Garcia na pinapayagan pa rin ang substitution pagkatapos ng filing ng COC, kung ang kandidato ay namatay o na-disqualify.
Gayunman, dapat aniya na ang substitute candidate ay kapareho ng apelyido ng namatay o nadiskwalipikang kandidato, o kaya naman ay galing sa kaparehong partido.