dzme1530.ph

Libreng edukasyon, hindi dapat mag-resulta sa pagbaba ng academic standards

Inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ang pag-democratize o libreng access sa edukasyon ay hindi dapat mag-resulta sa pagbaba ng academic standards.

Ito ay kasabay ng pagtitiyak ng pangulo sa patuloy na pagkakaloob ng libreng tertiary education sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa kaniyang talumpati sa National Higher Education Day Summit 2024 sa PICC sa Pasay City, inihayag ni Marcos na dapat hikayatin ang mga mag-aaral at ang buong education system na panatilihin ang mataas na pamantayan, upang magtagumpay sa nagbabagong mundo.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na dapat i-akma ang higher education sa mga pangangailangan ng post-pandemic economy, tungo sa pag-aangat ng global competitiveness ng Pilipinas.

Isinulong din nito ang pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor sa pagtataguyod ng dekalidad na tertiary education.

About The Author