Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng Pilipinas sa global fight sa terorismo.
Sa kaniyang talumpati sa United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice 33rd session sa Vienna, Austria, inihayag ni DILG Sec. Benhur Abalos na naniniwala ang Philippine Government na ang komprehensibo at pinaigting na aksiyon ay kina-kailangan upang masawata ang terrorist financial networks, recruitment, at movement.
Kaugnay dito, nanawagan ang Pilipinas ng global cooperation at aktibong pagkilos mula sa international community.
Isinulong din nito ang information-sharing mechanisms sa pagitan ng law enforcement agencies, at gayundin ng regional at international cooperation at kolaborasyon sa paglaban sa terorismo.