Ipinagmalaki ng Pilipinas sa United Nations ang matagumpay na kampanya kontra iligal na droga, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kaniyang talumpati sa 33rd session ng United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice sa Vienna, Austria, inihayag ni DILG Sec. Benhur Abalos na umabot sa 587 million dollars na halaga ng droga ang nakumpiska sa unang dalawang taon ni Marcos.
Ito ay 700% mas mataas kumpara sa mga nagdaang taon.
Bukod dito, naging minimal lamang din umano ang nawalang buhay o nasawi rito.
Ibinida rin ni Abalos ang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA).