dzme1530.ph

China Coast Guard, nagsagawa ng drills bago ang pagdating ng Filipino Civilian Convoy

Nagsagawa ang China Coast Guard (CCG) ng drills, isang araw bago dumating ang Filipino Civilian Envoy sa Panatag Shoal para mag-deliver ng supplies sa mga Pilipinong mangingisda.

Sa inilabas na video, naglunsad ang CCG crewmen ng drills na tila sa para sa emergency sa Scarborough o Panatag Shoal.

Bahagi umano ng naturang exercise na suriin ang kahandaan ng CCG sa pagliligtas ng buhay sa kagaratan.

Ngayong Miyerkules ang itinakdang paglalayag ng “Atin Ito Coalition,” para patunayan sa pamamagitan ng civilian mission na bahagi ng execlusive economic zone ng Pilipinas ang Panatag Shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

Una nang inihayag ng grupo na dapat gawing normal at regular ng Pilipinas ang pagbibigay ng civilian access sa West Philippine Sea.

About The Author