Tinalakay ng Philippine Army kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Archipelagic Defense Concept para sa pag-depensa sa karagatan at teritoryo ng bansa.
Sa command conference sa Malacañang, inilatag ni PH Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido ang mahahalagang updates sa pag-suporta sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Galido ang advancements sa kanilang Capability Development Program, tungo sa pagpapaigting ng kahandaan at operasyon ng hukbong katihan ng Pilipinas.
Pinuri naman ng pangulo ang Philippine Army bilang katuwang sa pagtatatag ng isang mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.
Ang CAD Concept ay inadopt ng administrasyong Marcos sa harap ng lumalalang sigalot sa West Philippine Sea laban sa China.