dzme1530.ph

 “Glory days” ng Shipbuilding sa bansa, aasahan sa Cerberus-Hyundai partnership

Inaasahan ang pagbabalik ng shipbuilding sa Subic, Zambales, sa investment partnership ng Cerberus ng America, at HD Hyundai ng South Korea.

Sa investment announcement ceremony sa Malacañang, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagsasa-pinal sa lease agreement ng dalawang kompanya sa bahagi ng Agila Subic Shipyard, ay hindi lamang magbubukas ng pintuan para sa offshore wind industry kundi ito rin ang muling bubuhay ng maritime manufacturing sa Subic, tungo sa pagbabalik ng “glory days” ng shipbuilding sa bansa.

Lilikha rin ito ng libu-libong trabaho at makapagtuturo ng critical skills sa mga Pilipino, tungo sa pag-aangat ng posisyon ng bansa sa global market.

Inaasahang pasisiglahin din nito ang Subic Bay Freeport Zone bilang hotspot para sa industrial, commercial, at iba pang economic activities.

Mababatid na nag-deklara ng bankruptcy noong 2019 ang Hanjin Heavy Industries na itong dating nag-ooperate sa Subic Shipyard.

About The Author