dzme1530.ph

E-Marketplace Procurement System, inaprubahan na ng Pangulo

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang E-marketplace Procurement System ng Department of Budget and Management (DBM) na nakatakda nang sumalang sa pilot test bago mag-Hulyo.

Sa Sectoral Meeting sa Malakanyang, inilatag sa Pangulo ang karagdagang features at implementation status ng Government Procurement Virtual Store at gayundin ang updates at upgrades sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS).

Ito ay magtataguyod ng openness at transparency sa procurements ng gobyerno na mangangasiwa ng buying at selling activities sa pagitan ng buyers at sellers.

Paliwanag naman ni DBM Procurement Service Executive Director Dennis Santiago, malaking oras ang matitipid sa E-marketplace system dahil kung sa kasalukuyan ay umaabot sa 26 hanggang 136 days ang bidding, sa ngayon ay kaagad nang makakapili ang mga kaukulang ahensya ng mga produkto sa online platform at naka-depende na lamang ito sa tagal ng delivery.

Sinabi rin ni Santiago na aabot din sa 8-15% ang matitipid ng gobyerno sa paggamit ng E-marketplace, habang idinagdag ni Pangandaman na batay sa pag-aaral ng World Bank, 26 hanggang 29% ang matitipid ng pamahalaan kung idi-digitalize ang procurement process.

About The Author