Pinuri ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang pamahalaan sa pagsisikap nitong mabigyan ng bagong oportunidad ang mga dating rebelde.
Kasunod ito ng anunsyo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sampung libong dating rebelde ang nakinabang sa TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Nograles na Chairman ng Committee on Labor and Employment, ang mga ganitong programa ay nagbibigay ng panibagong pag-asa sa mga dating kalaban ng estado na makapamuhay ng matiwasay kasama ang kanilang pamilya.
Bukod diyan, naniniwala rin ang kongresista na makatutulong ito para malutas at matuldukan ang Insurgency problem sa bansa.
Sa kabila ng magandang programa hinihimok pa rin ni Nograles ang pamahalaan na patuloy nitong hanapan ng sustainable job ang mga dating rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan.