dzme1530.ph

Batas na magpapataw ng parusa sa mga magli-leak ng confidential info mula sa gobyerno, inihain

Isinusulong ni Sen. Francis Tolentino ang panukala na idideklarang krimen ang pagli-leak ng confidential information mula sa gobyerno.

Sa kanyang Senate Bill 2667 o ang proposed National Security Information Clearance Act, magtatakda ng mga polisiya sa paghawak sa top secret, secret at confidential information.

Nakasaad sa panukala na nahaharap sa 12 hanggang 20 taong pagkakakulong ang sinumang empleyado ng gobyerno na maglabas ng confidential na impormasyon.

Inihain ni Tolentino ang panukala makaraang lumitaw sa pagdinig sa PDEA leaks na wala pang batas na nagtuturing na krimen ang pagsasapubliko ng mga classified information.

Sa ngayon anya pawang circulars na inisyu pa noong 1964, 1968 AT 2007 ang sinusunod.

About The Author