dzme1530.ph

Huling bugso ng El Niño, magiging kritikal pa rin para sa suplay ng tubig at enerhiya

Magiging kritikal pa rin para sa suplay ng tubig, enerhiya, at maging ng pagkain, ang huminang huling bugso ng El Niño o matinding tagtuyot.

Ayon kay Task Force Spokesman at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama, ang nalalabing bugso ng El Niño ay magdadala pa rin ng epekto sa limitadong resources.

Ito ay bago bumalik ang klima sa neutral conditions, na susundan ng La Niña.

Kaugnay dito, hinimok ni Villarama ang lahat na maging wais pa rin sa paggamit ng tubig, kuryente, at sa pag-konsumo ng pagkain hanggang sa tuluyan nang magwakas ang El Niño.

Ang matinding tagtuyot ay inaasahang matatapos na sa huling bahagi ng Mayo o sa buwan ng Hunyo.

About The Author