Nanawagan ang isang Security analyst sa pamahalaan na magpadala ng tropa at magtayo ng pantalan para sa mga mangingisda sa Sabina o Escoda shoal.
Ito’y sa gitna umano’y mga hakbang ng China para magtayo ng artificial island sa naturang lugar.
Ayon kay International Development and Security Cooperation President Chester Cabalza, ang Sabina shoal ay 75 Nautical Miles o 120 Kilometers lamang ang layo mula sa Palawan at nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).
Aniya, kailangang bantayan ang Sabina shole dahil malapit ito sa mainland, gayundin sa Ayungin shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre, at sa Mischief Reef na unang ninakaw ng China sa Pilipinas.
Idinagdag ni Cabalza na sa bandang itaas naman ng Sabina ay matatagpuan ang ang Reed bank na mayaman sa langis.
Sinabi pa ng Security analyst na sakaling makuha ng China ang Sabina shoal, nakapaligid na ito sa BRP Sierra Madre at matatawag na ‘quiet encirclement’ ang ginagawa ng Beijing.