Dismayado si Senator Risa Hontiveros sa patuloy na pambabarat ng mga negosyante sa magsasaka ng sibuyas.
Ayon kay Hontiveros, kahit mababa na ang farm gate price ng sibuyas, mataas pa rin ang presyo nito sa merkado sa kabila ng harvest season at pagpasok ng mga imported na sibuyas.
Pero dahil sa pangamba na mabulok ang kanilang ani, walang magawa ang mga magsasaka kundi ibenta ang kanilang mga ani sa presyong barat.
Ayon sa senadora, kung ganito ang palaging mangyayari hindi na madadagdagan ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pagkalugi kaya mungkahi nito sa Department of Agriculture (DA) na tularan ang diskarte ng India na tinatapatan ng gobyerno ang investment ng mga negosyante sa cold storage facility kaya mas mataas ang bilang ng cold storage ng nasabing bansa kumpara sa Pilipinas.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa P120 hanggang P140 ang kada kilo ng pulang sibuyas habang P100 per kilo naman ang puting sibuyas.