Hinimok ni Sen. Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na maging alerto at laging handa upang maiwasan ang mga insidente ng sunog sa gitna ng nararanasang El Niño.
Sinabi ni Gatchalian na kailangang bigyan ng lahat ng klase ng suporta ang mga komunidad at LGUs upang maging mas mapagmatyag sila at alerto para sa kanilang proteksyon mula sa mga insidente ng sunog at maiwasan ang pinsala sa kanilang mga ari-arian.
Binigyang-diin ng senador na hindi dapat ipagsawalang bahala ng publiko ang babala ng PAGASA sa posibilidad ng mas mainit na panahon ngayong buwan.
Hindi aniya dapat maging kampante ang lahat at kailangang tuloy-tuloy ang paghahanda para maiwasan ang mga sunog.