dzme1530.ph

Reclamation ng China sa Sabina shoal at Pag-asa cay, dapat  nang idulog ng  Pilipinas sa International Tribunal

Binigyang diin ni Retired SC Associate Justice Antonio Carpio na hangga’t maaga pa ay dapat nang pigilan ng Pilipinas ang umano’y ginagawang reclamation ng China sa Sabina shoal at Pag-asa cay.

Sinabi ni Carpio na ito ay sa harap ng paghahanda ng China sa paglalagay  ng pundasyon para makapagtayo ng artipisyal na isla sa Sabina shoal.

Ang naturang shoal na isang sandbank o sandbar ay  matatagpuan, 75 nautical miles o 140 kilometers mula sa Palawan at nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Noong sabado ay iniulat ng Philippine Coast Guard na mayroong mga namataang Chinese researchers sa Sabina shoal.

Naniniwala si Carpio na nagsasagawa ng markings ang mga Tsino dahil sinira nila ang coral reefs.

Bunsod nito, iminungkahi ng retiradong mahistrado na dalhin na ng Pilipinas ang usapin ng paninira ng China sa mga corals, sa tribunal ng United Nations on the Law Of The Sea (UNCLOS).

About The Author