Umabot sa P580 million government service, cash at livelihood aid ang naipamahagi sa 111,000 beneficiaries sa Zamboanga City.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, hatid ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang derektang serbisyo ng gobyerno patungo sa mamamayan.
417 government agencies mula sa 47 offices ang pinagsama-sama sa iisang bubong para sa mabilis at epektibong serbisyo.
Nagsilbing local host ng event si House Majority Floor Leader Manuel Mannix Dalipe, Jr., at Mayor John Dalipe, habang si Romualdez naman ang kumatawan kay Pang. Bongbong Marcos Jr.
Umabot sa P273,000 ang naipamahaging cash assistance, payout ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD kung saan 67,311 ang naging beneficiaries na umabot sa halagang P252-million, at pamamahagi ng bigas na umabot sa 355 thousand kilos.