Pabor kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang maritime exercise ng French Navy sa West Philippine Sea.
Sa ambush interview sa General Santos City, nagpasalamat ang pangulo sa iba’t ibang bansang handang tumulong at sumabak sa joint cruises kapag nahaharap sa suliranin ang bansa.
Napakalaking bagay din umano nito para maitaguyod ang freedom of navigation sa WPS, para na rin sa ikagaganda ng global economy.
Kaakibat umano nito ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Mababatid na kamakailan ay sinimulan ng Pilipinas, Estados Unidos, at France ang multilateral maritime exercise sa WPS.