Patuloy ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda sa sa Sultan Kudarat at General Santos City.
Sa seremonya sa Isulan, Sultan Kudarat, ipinamahagi ng pangulo ang cash assistance mula sa Dep’t of Social Welfare and Development, Tupad program ng DOLE, at agricultural assistance sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund at Rice Farmer Financial Assistance.
Bukod dito, ipinamahagi rin ang certificates sa farmers’ organizations, habang ipinamigay din ng TESDA ang livelihood toolkits at scholarship allowance sa kailang regional office sa Sultan Kudarat.
Sa sumunod namang programa sa General Santos City, iniabot ni Marcos ang P10,000 na cash assistance, at gayundin ang P10 million sa city government ng General Santos, P50 million sa provincial government ng South Cotabato, at P50 million sa provincial government ng Sarangani.