Patuloy na makikipagtulungan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Foreign Affairs (DFA), licensed manning agency, at ship manager para matiyak na mapalaya ang tatlong natitira pang Filipino crew na nananatili sa kustodiya ng Iran Authority.
Ginawa ng DMW ang pahayag kasunod ng pagpapalaya ng Iran sa isang Filipino seafarer na kabilang sa apat na Pinoy crew na binihag noong nakaraang Abril.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si DMW secretary Hans Leo J. Cacdac kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa ginawang pagsisikap nito para mapalaya ang mga magiting na marino.
Samantala nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga pamilya ng mga tripulante, at tinitiyak sa kanila ang buong suporta at tulong ng gobyerno.
Matatandaang ang MSC Aries ang sinasakyan ng 25 seafarers kabilang ang apat na Filipino crew members na tumawid noong April 13 sa Strait of Hormuz na ngayon ay hawak parin ng Iranian Naval Authorities.