dzme1530.ph

Pilipinas, maghihigpit sa mga turistang Tsino na nais pumasok sa bansa

Hihigpitan ng Pilipinas ang visa requirements para sa mga Chinese tourists, sa gitna ng dumaming dinayang aplikasyon na natangggap ng embahada at mga konsulada sa China.

Nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang kinalaman sa naturang hakbang ang umiigting na tensyon laban sa China kaugnay ng pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Binigyang diin ni DFA Undersecretary Jesus Domingo na makabubuti pa nga ang nabanggit na paghihigpit sa mga Tsino, dahil sila naman aniya ang kadalasang nabibiktima ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang tinutukoy ni Domingo ay mga Chinese Citizen na pumapasok sa Pilipinas bilang mga turista, subalit iligal na nagta-trabaho sa offshore gambling offices.

Dahil sa pagdagsa ng Chinese workers sa bansa, ilang Chinese nationals ang napaulat na nasangkot sa organized crimes, gaya ng human trafficking, prostitution, kidnapping, at fraud.

About The Author