dzme1530.ph

Pagbabalik ng kapangyarihan ng NFA sa RTL, dapat pag-aralan

Hinimok ni Sen. Sonny Angara ang gobyerno na pag-aralan munang mabuti ang panukalang ibalik ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA).

Layon umano nito na ma-stabilize o mapatatag ang presyo ng bigas sa bansa.

Ito ay makaraang aprubahan ng dalawang kumite sa Kamara ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tarifficarion Law (RTL).

Sinabi ni Angara na dapat ikunsidera sa pagdedesisyon ang mga naunang ulat ng katiwalian na kinasangkutan ng NFA sa mga nakalipas na panahon.

Sa panig naman ni Sen. Nancy Binay, hinikayat nito ang Kamara na silipin ang mga nakaraang pagdinig ng Senado na may kinalaman sa RTL.

Sa mga pagdinig aniya nabulgar ang ibat ibang kaso kayat isinulong na tanggalan ng kapangyarihan ang NFA.

About The Author