dzme1530.ph

Muling pagsanib ng bansa sa ICC, kailangan ng senate concurrence

Kailangan ng pagsang-ayon ng senado kung magdedesisyon man ang administrasyon na muling maging miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ito ang iginiit ni Sen. Sonny Angara sa plano ng Department of Justice (DOJ) na isama sa kanilang ilalatag na opsyon sa pangulo ang muling pagsanib sa ICC.

Ayon kay Angara, maituturing na bagong tratado ang papasukan ng gobyerno kaya’t kailangan ang concurrence ng senado.

Kasabay nito, umaasa si Angara na matitigil na ang mga bali-balitang destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Angara na ito ang panahon na ipakita ang pagsuporta sa Pangulo.

Dapat din aniyang unahin ang mga mahahalagang isyu tulad ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang isyung may kinalaman sa ekonomiya.

About The Author