Kasado na ang mga hakbang para mapigilan ang pamemeste ng armyworms sa mga taniman ng sibuyas sa bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa ikinasa ng DA-Bureau of Plant Industry (BPI) ang Pest Management Activities, gaya ng pagbibigay ng technical assistance, biopesticides, at synthetic pesticides para makontrol ang mga peste.
Sa Plant Health and Pest Status Report ng BPI, nasa 12,137.92 hectares ng onion farms ang sinalanta ng armyworms as of April 30.
Sa kabuuan, 647.10 hectares ang totally damaged habang 4,045.03 hectares ang partially damaged.
Ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at MIMAROPA.