dzme1530.ph

Trade deficit ng bansa, bumaba noong Marso

Bumagsak ang trade deficit ng bansa noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihayag ng PSA na naitala sa 15.44 billion dollars ang total external trade in goods, na mas mababa ng 15.4 percent mula sa 18.25 billion dollars noong March 2023.

Samantala, bumaba rin ang trade gap ng 36.6 percent noong ikatlong buwan sa 3.18 billion dollars.

Ayon pa sa PSA, mula sa total external trade noong March, 60.3 percent ay imported goods habang ang natitira ay exported goods.

About The Author