Mahigit isanlibo katao ang dumagsa sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Maynila para singilin nang paunti-unti ang P130 trillion na para sa mga Pilipino.
Ang naturang halaga ay batay sa kasalukuyang halaga ng ginto na umano’y nasa pag-iingat ng BSP sa loob ng maraming taon.
Ipinakita ng lider ng grupo na si Gilbert Langres ang dokumento na tinawag nitong “Bagong Lipunan” na nagpapatunay daw na ang kayamanan sa loob ng Central Bank ay nag-mature na at maari nang kunin.
Matagal na ring itinanggi ng BSP ang claims na mayroon silang itinatagong ginto.
Nilinaw din ng BSP na hindi sila direktang namimigay ng pera sa publiko, at nagre-remit lamang sila ng pondo sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga dibidendo.