Ini-rekomenda ng Private Sector Advisory Council (PSAC) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng 185,000 hanggang 200,000 metric tons ng asukal.
Sa pulong sa Malacañang, ini-ulat ng PSAC – agriculture sector group ang nananatiling historic low na raw sugar production ng bansa dahil sa mababang ani at kakulangan sa lupang taniman.
Kaugnay dito, ini-rekomenda sa pangulo ang pag-iimport ng 185,000 metric tons ng refined sugar o 200,000 mt ng raw sugar, upang matugunan ang kinakailangang suplay at magkaroon pa ng buffer stock, partikular para sa off-harvest and post-milling seasons.
Hinimok din itong pag-aralan ang posibleng pagbuo ng enhanced import plan para sa raw sugar, at gayundin ang pag-aaral sa Sugarcane Andustry Development Act.
Sa kabila nito, nananatili naman umanong sagana ang suplay ng asukal sa bansa dahil sa mga inimport noong 2022 at 2023.