Kinilala ng Guinness ang Manchineel Tree mula sa Caribbean at Gulf of Mexico bilang pinaka-mapanganib na puno ng kahoy sa mundo.
Ang bunga nito ay nakamamatay, sa oras kasi na makakain ka nito ay magkakasugat-sugat ang iyong labi at lalamunan.
Ipinangalan ang nasabing puno sa french word na Manzanilla Dela Fuerte na ang ibig sabihin sa ingles ay Little Apple of Death.
Ayon sa mga dalubhasa kapag nakakita ng ganitong klaseng puno ay agad nang lumayo, bukod kase sa mapanganib na bunga nito, ang dagta ng katawan nito ay nagdudulot naman ng pagkabulag ng mga mata at pagkapaltos ng balat.