dzme1530.ph

PBBM, hiniling ang tulong ng lehislatura para sa pagbabago ng Politika at Ekonomiya

Hiniling ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang tulong ng lehislatura para sa pagbabago ng pulitika at ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa alliance signing ceremony ng Partido Federal ng Pilipinas at Lakas – C-M-D, inihayag ng pangulo na hindi kakayanin ng ehekutibo lamang ang mga hakbang sa pagbabago ng lipunan at pagpapaganda ng buhay ng bawat pilipino, kung wala ang tulong ng lehislatura.

Kaugnay dito, iginiit ni marcos na dapat palitan ang patakbo sa pamahalaan, at kailangang i-posisyon ang pilipinas sa paraang makikinabang ito sa makabagong teknolohiya.

Upang magawa ito, kina-kailangan umano ang malalaking pagbabago sa mga polisiya, kaakibat ng suporta ng mga mambabatas.

Ito umano ang magiging daan sa All-of-Governemnt Approach o ang pakikibahagi ng buong gobyerno sa pagsulong at pagpapa-unlad ng bansa.

About The Author