Magbebenta ang National Irrigation Administration (NIA) ng bigas sa halagang 29 pesos kada kilo simula sa Agosto.
Sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen, na magbebenta sila ng 10-kilogram bags ng bigas sa murang halaga sa Kadiwa stores sa loob ng tatlong buwan.
Aniya, ang mga bigas ay manggagaling sa 40,000-hectare contract farming agreement na pinasok ng ahensya.
Inihayag ni Guillen na mayroon silang target areas, gaya sa Metro Manila, Cebu, at Davao, at nasa 100 million kilos ng bigas ang tinatayang mapo-produce pagsapit ng Agosto.
Idinagdag ng NIA administrator na kinuha rin nila ang serbisyo ng grupo ng mga magsasaka para sa paggiling ng bigas upang madagdagan ang kanilang kita.