Nanawagan si Sen. Ronald dela Rosa sa Senado na gamitin ang kanilang kapangyarihann upang dagdagan ang pondoo para sa pang-dipensa ng bansa partikular ang pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense.
Ikinumpara pa ng senador ang budget ng AFP modernization program sa ibang bansa na kakapiranggot kung pagbabasehan.
Iginiit ni dela Rosa na kung ang defense spending ang pagbabasehan sa Gross Domestic Product (GDP) ratio wala pa itong one percent.
Ikinumpara ito ni dela Rosa sa ibang bansa na ang pinakamababa na defense spending ay 2.5% hanggang 3% ng GDP ratio.
Kasabay nito, tiniyak ni dela Rosa na hindi magbabago ang kanyang loyalidad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng desisyon ng Senado na imbestigahan ng Senate Committee on Foreign Relations ang kontrobersyal na gentleman’s agreement ng dating Pangulo at ng China kaugnay sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ni dela Rosa na hindi siya magiging senador kung hindi dahil sa dating punong ehekutibo.
Gayunman, iginiit ng senador na anti-China siya dahil sa ginagawang pambubully nito sa mga lokal na mangingisda at sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy na binobomba ng water cannon sa kabila ng layunin lamang ay maghatid ng supply at pagkain sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.