dzme1530.ph

Maritime fleet ng bansa, panahon nang i-upgrade

Muling iginiit ni Sen. Francis Tolentino ang pangangailangan na iupgrade na ang maritime fleet ng bansa sa gitna ng patuloy na harassment ng China sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng privilege speech ni Deputy Minority Leader Sen. Risa Hontiveros na nananawagan ng pagsisiyasat sa sinasabing gentleman’s agreement ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Sinabi ni Tolentino na kaya kinakawawa ng China ang Pilipinas dahil sa kakulangan ng kagamitan lalo na para sa karagatan partikular ang submarines.

Iginiit ng senador na panahon nang iupgrade ang ating maritime fleet partikular ang Philippine Navy.

Sa panig nii Sen. Koko Pimentel, iginiiit na mas makabubuting bumili ng dagdag na service vessels sa halit na submarine.

Subalit sinabi ni Tolentino na mas kaaya-ayang gamitin ang submarines dahil ito ay maaring i-operate ng undetected.

About The Author