dzme1530.ph

Pag-amyenda sa Rice Tarrification, makakatulong sa pagbaba ng Inflation Rate

Kumpiyansa si Albay 2nd District Congressman Joey Salceda na makakatulong sa pagbaba ng inflation rate ang gagawing pag-amyenda sa Rice Tarrification Law (RTL).

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 3.8% ang inflation rate noong Abril 2024 na bahagyang mataas kumpara sa 3.7% inflation rate noong Marso 2024.

Paliwanag ni Salceda na isa ring ekonomista, sa datos na inilabas ng PSA, halos lahat ng major commodities ay nakapagtala ng single-digit inflation maliban sa bigas na hataw pa rin sa 23.9%.

Kung maisasakatuparan ang amendments sa RTL at maibabalik sa National Food Authority (NFA) ang pagbebenta ng murang bigas sa merkado, tiyak na mahahatak nito pababa ang Rice inflation.

Kung maisasayos din aniya ang pangangasiwa sa 29-billion pesos Tariff Revenue mula sa imported rice, higit nitong matutulungan ang lokal na magsasaka maging ang consumers.

Gayunman may babala si Salceda na bagama’t pababa ang presyo ng mais, bumilis naman sa poultry industry at tiyak na mararamdaman ngayong buwan ng Mayo.

Sa report ng PSA nagsilbing main drivers ng 3.8% inflation rate ang food at non-alcoholic beverages na naitala sa 6%.

About The Author