Inialok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European investors ang mga oportunidad sa Public Private Partnerships, para sa 185 major infrastructure projects na nagkakahalaga ng $161-Billion.
Sa kanyang mensahe sa 2024 European-Philippines Business Dialogue and European Investors’ Night na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inihayag ng Pangulo na handang tumanggap ng investments ang bansa para sa Build Better More Program, na layuning mai-angat pa ang competitiveness ng Pilipinas.
Kasama rin umano sa malalaking infra projects ang mga sektor ng renewable energy, waste management, transportasyon, at disaster mitigation.
Ibinida rin ni Marcos ang Maharlika Investment Fund na magsusulong ng financing ng pribadong sektor sa infrastructure flagship projects.
Ipinagmalaki rin nito ang pagpasa kamakailan ng Public-Private Partnership Code, na magpapalakas sa partisipasyon ng pribadong sektor sa high-quality PPP investments.