Suportado ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang ibalik sa National Food Authority (NFA) ang kapangyarihang bumili ng bigas at ibenta ito sa mas murang halaga.
Ginawa ni DA Assistant secretary Arnel de Mesa ang pahayag matapos sabihin ni Speaker Martin Romualdez na maghahain ng bill ang kamara para amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) para payagang bumili at magbenta muli ng bigas ang NFA.
Paliwanag ni de Mesa, suportado nila ang panukala dahil nakikita nila ang kakulangan ng tugon ng pamahalaan sa mga sitwasyong pataas nang pataas ang presyo ng bigas.
Sakali naman na maisakatuparan ang plano ni Romualdez, umapela ang DA official sa NFA na huwag namang ibagsak ng todo ang presyo ng bigas.
Mungkahi ni de Mesa, kung ang umiiral na presyo ay singkwenta pesos kada kilo, maaring ibenta ng NFA ang kanilang bigas ng 40 pesos per kilo.