dzme1530.ph

Mga Pilipino at OFWs, hinikayat ng Pangulo na itaguyod ang local cuisines

Hinikayat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino at ang Overseas Filipino Workers, na suportahan at itaguyod ang local cuisines para sa “gastronomic tourism”.

Sa kaniyang latest vlog na pinamagatang “Chibog”, hinimok ng pangulo ang mga Pinoy na patuloy na suportahan ang micro, small, and medium enterprises na nag-aalok ng mga lokal na pagkain at produkto.

Nanawagan din ito sa mga OFW na ipasubok sa mga banyaga ang pagkaing Pinoy at imbitahan silang bumisita sa bansa.

Kasabay nito’y pinuri ni Marcos ang pagkakabilang ng Pilipinas sa listahan ng TasteAtlas sa mga bansang may pinaka-masasarap na pagkain, partikular na ang sinigang at lumpiang shanghai.

Samantala, interesado rin ang pangulo na subukan ang popular na street food na “Pares”.

Itinampok din sa BBM vlog ang viral na pares vendor na si Diwata.

About The Author