dzme1530.ph

PBBM, naglabas ng EO para sa pagpapabilis ng permitting process sa IFPs

Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapabilis ng pag-proseso ng permits para sa Infrastructure Flagship Projects (IFPs).

Sa Executive Order no. 59, ipinagbawal ang pagdaragdag ng national o local permit o clearances sa pagtatayo, pagsasaayos, operasyon, at maintenance ng IFPs, maliban lamang sa environmental compliance certificate ng DENR, building permit ng city o municipal building official, at excavation permit ng kaukulang LGU, National Commission for Culture and the Arts, MMDA, DPWH, at BCDA, at iba pang requirements na inoobliga sa ilalim ng saligang batas.

Inatasan din ang lahat ng national at local goverment agencies na alisin ang redundant o mga pampabigat lamang na proseso at requirements, at pinali-limitahan na rin sa hanggang tatlo ang signatories sa mga dokumento alinsunod sa Ease of Doing Business Act.

Iniutos din ang pag-adopt ng online o electronic system sa pagsusumite o pagtanggap ng mga aplikasyon at pag-iissue ng mga lisensya, clearances, permits, certifications, at authorizations, gayundin ang simultaneous o sabay-sabay na pag-proseso ng mga aplikasyon, digital payment system, at one-stop shop para sa IFPs.

About The Author