dzme1530.ph

PH-South Korea FTA, inaasahang mararatipikahan na ngayong taon

Umaasa si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na mararatipikahan na ngayong taon ang Free Trade Agreement (FTA) o malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ayon sa pangulo, sa ilalim ng FTA ay mapabababa ang taripa ng mga produkto ng Pilipinas sa Korean market.

Kabilang sa mga posibleng matapyasan ng taripa ay ang tropical fruits tulad ng avocado.

Kasabay nito’y isinulong ni Marcos ang pagpapalakas pa ng pakikipag-kalakalan sa South Korea, na napakahalaga umano sa Pilipinas.

About The Author