Upang matiyak na makatwiran ang pagdedeklara ng suspension ng klase dahil sa matinding init, hinihimok ni Sen. Win Gatchalian ang PAGASA na palawakin ang saklaw ng mga heat index upang magabayan ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan.
Sa mungkahi ng senador, dapat mas maraming lugar ang saklawin ng forecast ng PAGASA.
Iginiit ng mambabatas na kung kinakailangan ng tulong at kailangan nating bumili ng teknolohiya, maaari aniyang tumulong ang senado.
Mahalaga aniyang ibigay sa mga punong-guro at mga local government units ang kinakailangan nilang impormasyon upang makapag-responde sila.
Babala ng mambabatas na maaaring maging dahilan ng kawalan ng istratehiya at maagap na pagresponde ang kakulangan ng impormasyon, bagay na nakakapinsala sa ating mga mag-aaral.
Ibinahagi ng Chairperson ng Senate Committee on Basic Education ang halimbawa ng mga itinatalagang signal pag may bagyo na nagiging gabay sa pagsuspinde ng klase.
Nais ni Gatchalian na may makitang parehong sistema upang magabayan ang mga punong-guro at mga alkalde sa pag-kansela ng klase, kasama na rin ang mga komunidad sa loob ng paaralan na magpatupad ng kaukulang mga hakbang.