Iginiit ni Sen. Grace Poe na dapat handa ang mga transportation officials na humarap sa pagbusisi sa epekto ng Jeepney Modernization Program kabilang ang paggamit ng P200-million fund para sa drivers’ livelihood assistance.
Sinabi ni Poe na hindi nagtatapos sa deadline ng consolidation ang mga isyu ng jeepney modernization at patuloy silang magbabantay sa implementasyon ng programa.
Hiniling ni Poe sa Department of Transportation (DOTr) na magsumite ng komprehensibong datos at estado ng revised timeline ng PUV Modernization Program kasama ang updated statistics sa consolidation ng mga jeepneys; at ang bilang ng mga ruta na naseserbisyuhan at mga apektadong ruta ng contingency plans.
Nais ding malaman ng senador ang plano ng DOTr sa mga driver na nawalan ng hanapbuhay at ang estado ng implementasyon ng mga tulong tulad ng Entrepreneur and Tsuper Iskolar Programs.
Upang agarang tulungan ang mga driver at operator na hindi sumama sa programa, hinimok ni Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magtayo ng help desks sa buong bansa.
Nangako si Poe na aalamin ang naging paggastos sa pondo ng mga nakaraang pagsasanay sa mga driver sa gitna ng ulat na milyun milyong piso ang hindi nagamit.
Tiniyak ni Poe na hindi siya mananahimik sa isyu ang ating mga kababayang commuters at maliliit na drivers ang pinakaapektado rito.