dzme1530.ph

805 PDL mula sa ibat ibang prison and penal farm sa bansa, pinalaya ng BuCor

Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya sa 805 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba’t ibang operating prisons and penal farm para sa buwan ng Abril.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., 548 ang bilang ng nakapagsilbi o nag-expire ang maximum sentence.

Habang 161 ang nabigyan ng parole, 67 ang acquittal, 28 ang nabigyan ng probation, isa para sa habeas corpus.

Ayon kay Catapang sa mga nakalaya, 42 ay mula sa Davao Prison and Penal Farm, 131 mula sa Iwahig Prison at Penal Farm, 39 mula sa Leyte Regional Prison.

148 naman ang mula sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound, 204 sa NBP Medium Security Compound, 46 sa NBP Minimum Compound, 17 mula sa Reception at Diagnostic Center, 51 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm at 65 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Base sa datos ng BuCor umabot na sa higit 12,000 PDL ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration.

About The Author