dzme1530.ph

Mga magsasakang apektado ng El Niño, umabot na sa mahigit 80K

Umabot na sa mahigit 80,000 na magsasaka sa bansa ang apektado ng El Niño o matinding tagtuyot.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DA Spokesman Assistant Sec. Arnel de Mesa na pinaka-marami ang naapektuhang magsasaka ng palay, na pumalo sa mahigit 60,000.

Apektado rin ang nasa 58,000 na ektarya ng palayan.

Mababatid na sumampa na sa 5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala ng El Niño sa agrikultura.

Tiniyak naman ng DA ang tuloy-tuloy na ayuda at interventions kabilang ang 5,000 pesos na rice farmer financial assistance, pamamahagi ng pump and engines, indemnification o insurance claim mula sa Philippine Crop Insurance Corp., survival at recovery loan ng Agricultural and Credit Policy Council, at interventions mula sa National Irrigation Administration.

About The Author