Pina-plano ng biggest port operator ng India na Adani Ports and Special Economic Zone Limited, na mag-invest at mag-expand sa Pilipinas.
Sa courtesy call kay Pang, Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, inilatag ni Adani Ports Managing Director Karan Adani ang kanilang Port Development Plan sa Bataan.
Pina-plano rin nitong magtayo ng 25-meter-deep port para makapag-accommodate ng panamax vessels.
Bukod dito, tinitingnan din ng Adani ports ang pag-iinvest sa airports, enerhiya, at maging sa depensa.
Kasabay nito’y pinuri ng Adani ports executive ang stable o maayos na regulasyon at business environment sa administrasyong Marcos.
Welcome naman sa pangulo ang expansion plans kasabay ng pagkilala sa pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor.
Iminungkahi rin sa Adani na tutukan ang mga pantalan na dinadaungan ng agricultural products para maging globally competitive ang Pilipinas.