Pinatay ng Chinese research vessel na naispatan sa katubigan ng Bicol at Eastern Visayas ang Automatic Identification System (AIS) nito nang maglayag ng walang koordinasyon sa mga awtoridad sa Pilipinas.
Pahayag ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasabay ng pagtiyak na ipagpapatuloy nila ang pagpapatrolya sa karagatan, sa kabila nang kumpirmadong nakaalis na sa teritoryo ng Pilipinas ang Chinese vessel na “shen kuo.”
Sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Margareth Francel Padilla, na hindi niya mahulaan kung bakit ito ginawa ng China-flagged ship subalit ang pag-off sa AIS ay nangangahulugan na ayaw nitong ma-detect.
Samantala, patuloy na binabantayan ng afp ang tatlong iba pang research vessels sa West Philippine Sea.