dzme1530.ph

Mahigit 7K paaralan sa bansa, nasa ilalim ng Alternative Delivery Mode  

Mahigit 7,000 na paaralan sa bansa ang nananatiling nasa ilalim ng Alternative Delivery mode (ADM) sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Education, Western Visayas ang may pinakamaraming bilang ng paaralan na nasa ilalim ng ADM na mayroong 1,613.

Sumunod dito ang central Luzon, 1,254; Bicol Region, 1,181; Zamboanga Peninsula, 666; MIMAROPA, 462; at Cagayan Valley, 414.

Sa Metro Manila, nasa 252 na paaralan ang nagsuspinde ng face-to-face classes at nagpapatupad ng ADM.

About The Author